Miyerkules, Hulyo 30, 2014

Mga Sinaunang Kabihasnan



KABIHASNAN SA EGYPT

Ito ang kanilang kalendaryo noong unang panahon...
BITUIN NG SIRIUS



Meron silang pinuno na tinatawag nilang Paraon ito rin ang kanilang diyos noong unang panahon.

MENES
Namuno noong 3100 BC
Itinatag niya ang kabisera ng Memphis
Itinaguyod ang unang dinastiya sa Egypt


Noong 2600 taon ay nagkaroon ng 31 dinastiya kaya hinati ito sa Lumang kaharian,Gitnang kaharian at Bagong kaharian.




Ang Piramide ay ang libangan ng mga Paraon.Ang unang piramide ay ang Piramide ng Djoser.

 Pyramide ng Djoser

“GITNANG KAHARIAN”
pinalakas ang sentrilisadong kalakalan at pamahalaan
 tinatawag din na "Panahon ng Mabarlika"

“BAGONG KAHARIAN”
AHMOSE 1
 nagpatalsik sa mga hykos
sinakop niya ang Nubia at Canaan
                 ang kapanahonan din niya ay tinatawag na "Panahon ng Imperyo"
REYNA HATSEPSUT
Unang babaeng Paraon
Nagdala ng katahimikan sa egypt
namuno ng 19 na taon

THUTMOSE III
humalili kay Reyna Hatsepsut
Sinakop ang Ephipsyo hanggang Ilog Euphrates sa silangan hanggang sa timog ng Nubia

TUTANKHAMUN
Pinakabatang Paraon
Namatay siya ng mysteryo
May limang bahagi ng kanyang lalagyan sa kabaong na natagpuan ni Howard Carter


“RELIHIYON”

Dioses Egipcious 2
Mahigit 2000 ang mga diyos ng mga ephipsyo

 RA-diyos ng araw.


HORUS-diyos ng liwanag


ISIS-diyos ng mga ina at asawa
Naniniwala sila kapag sila matapos ang kamatayan ay hinuhusga kung saan sila mapupinta.Sa Mangangain ng Kaluluwa o sa Paraiso


“HIEROGLYPHICS”
Alpabeto ng mga ephipsyo
ginamit nilang papel noong unang panahon

“PAPYRUS REEDS”
ginagawa nilang papel

“AGHAM AT TEKNOLOHIYA”
HEOMETRIYA

Lumikha sila ng sistema ng nakasulat na numero para sa pagbibilang ng buwis at iba pa



 Kabihasnan ng Mesopotamia

Ang Mesopotamya (Griyego: Μεσοποταμία, isinalin mula sa Sinaunang Persiko na Miyanrudan "ang Lupain sa pagitan ng mga Ilog"; sa pangalang Aramaic na Beth-Nahrain "Bahay sa Dalawang Ilog"), ay isang lugar sa Timog-kanlurang Asya.Ito ang Iraq at kanlurang Syria sa kasalukuyan. Sa isang mahigpit na pananalita, ito ang kapatagang alluvial na matatagpuan sa pagitan ng mga ilog ng Tigris atEuphrates, binubuo ng mga bahagi ng Iraq at Syria. Sa mas pangkaraniwang gamit, kabilang sa termino ang mga ilog kapatagan nito sa kabuuan at kasama din ang mga napapaligirang teritoryo ng Disyerto ng Arabia sa kanluran at timog, ang Gulpo Persiko sa timog-silangan, ang mga Bundok ng Zagros sa silangan at mga bundok ng Caucasus sa hilaga. Kilala ang Mesopotamya bilang ang lugar ng ilang sa mga pinakamakasaysayang kabihasnan o sibilisasyon sa daigdig.
Ang mga kasulatan mula sa Mesopotamya (Uruk, makabagong Warka) ay ilan sa mga kilalang pinakaunang kasulatan sa daigidig, nagbibigay sa Mesopotomya ng isang reputasyon sa pagiging "Duyan ng Sibilisasyon". Kapantay ng mga kasulatang Sumeryong ito ang mga hieroglyph ng Ehipto, at ilan sa mga mas matandang kilalang sulat, marahil itinituring bilang pagsusulat na proto (Porma ng sulat ng Sinaunang Europeo), Naqada. Nasasakop ang Mesopotamya ng malawak ng Fertile Crescent - isang rehiyon sa kanlurang asya na may matabang lupain at angkop sa pagsasaka. Ito ay may hugis crescent ng

“ANG MGA UNANG IMPERYO”
Ang Imperyong Akkadian IPA: /əˈkeɪdiən/ ang imperyo na nakasentro sa siyudad ngAkkad IPA: /ˈækæd/ at sa nakapaligid na rehiyon sa sinaunang Mesopotamia na nagpaisa ng lahat ng mga nagsasalita ng katutubong Akkadian na mga Semita at mga nagsasalitangSumerian sa ilalim ng isang pamamahala. 
Noong 3000 BCE, may umunlad na isang malapit na symbiosis sa pagitan ng mga Sumerianat mga Akkadian na Semitiko na kinabibilangan ng malawak na bilingualismo.  Unti unting pinalitan ng wikang Akkadian ang Sumerian bilang sinasalitang wika sa isang lugar sa pagtungo sa 3000 BCE at 2000 BCE. Naabot ng imperyong Akkadian ang tugatog na pang politik anito sa pagitan ng 2400 at 2200 BCE kasunod ng mga pananakop ng tagapagtatag nitong si Sargon ng Akkad(2334–2279 BCE). Sa ilalim ni Sargon at kanyang mga kahalili, ang wikang Akkadian ay sandaling inatas sa mga kapitbahay na sinakop na estado gaya ng Elam. Ang Akkad ay minsang itinuturing na unang imperyo sa kasaysayan bagam may mga mas naunang nag-aangking Sumerian.

BABYLONIAN
Ang Babilonya o Babilonia  ay isang makasaysayang lungsod-estado na naging imperyo sa Gitnang Silangang Asya. Isa itong lungsod sa sinaunang Mesopotamya. Matatagpuan ang labi nito sa pangkasalukuyang-panahong Al HillahLalawigan ng Babil (Gubernaturang Babil), sa Irak, mga 85 kilometro (55 mi) sa timog ng Baghdad. Ang matandang lungsod na ito ng Mesopotamya (ang Irak ngayon) ang kabiserang lungsod ng Babilonya. Nabanggit sa unang pagkakataon sa kasaysayan ang lungsod noong ika-24 daantaon BK. Sa kabuoan ng kasaysayan nito, humina ang kapangyarihang angkin ng Babilonya.

CHALDEAN
Ang mga grupong Chaldean at Medes ay kapwa nagsanib ng kanilang mga pwersa laban sa mga Assyrian. Simula ng bumagsak ang kapangyarihan ng mga Assyrian , muling naging sentro ng kapangyarihan ang timog Mesopotamia. Sa ilalim ng pamumuno ni Nebuchadnezzar, muling sumigla ang Babylonia at nabawi ang kadakilaan na dating natamo.
Nilikha ang tanyag na Hanging Gardens sa panahon ng pananaig ng ikalawang Imperyong Babylonian. Ito ay terrace ng mga halaman at bulaklak na ipinatayo ni Nebuchadnezzar para sa kanyang asawa.

ASSYRIAN

Ang mga Asirio ay ang mga taong namuhay sa hilagang bahagi ng kasalukuyang Irak noong mula mga 2900 BK magpahanggang 600 BK. Nanirahan sila sa mataas na pook sa may Ilog ng Tigris. Kabilang sa kanilang pangunahing mga lungsod ng Assur at Nineveh. Nagkaroon sila ng Imperyong umaabot mula Ehipto hanggang Golpo ng Persa.
Noong Gitnang Panahon ng Tanso, ang Asiria ay isang rehiyon sa Ilog ng Tigris na ipinangalan sa unang kabisera nito, ang sinaunang lungsod ng Assur (Akkadiano: Aššur; Hebrewאַשּׁוּר Aššr, Arameo: Ar). Di-naglaon, bilang isang nasyon at imperyo na namahala sa buong Matabang KresyenteEhipto, at malaking bahagi ng Anatolia, tumutukoy ang katawagang "mismong Asiria" sa hilagang hati ng Mesopotamya (ang timog na hati ay ang Babilonyana ang Nineveh ang kabisera).
Nasa ilalim ng kapangyarihan ng mga haring Asirio ang isang malaking kaharian sa tatlong magkakaibang bahagi ng kasaysayan. Tinatawag ang mga ito na panahon o kahariang Matanda (ika-20 hanggang ika-15 dantaon BK),Gitna (ika-15 hanggang ika-10 dantaon BK), at Neo-Asirio (911-612 BK), kung saan ang pinakahuli ang pinakatanyag at may maraming naidokumento.

KABIHASNAN SA INDIA

Tinataya na noong 2500 B.K nagsimula ang unang kabihasnan ng India sa Lambak ng Ilog Indus. Ito ay ang mga lungsod ng Mohenjo-Daro sa Punjab at Harappa, sa lugar na ngayon ay Pakistan. Pinaniniwalaang naging maunlad ang pamumuhay ng mga taong nanirahan sa dalawang nabanggit na lungsod kung ibabatay sa mga nahukay na labi noong 1920.

BUDDHISMO

Ang Budismo o Budhismo (SanskritBuddha Dharma, nangangahulugang: "Ang Daan ng Naliwanagan") ay isang relihiyon o pilosopiyana nakatuon sa mga aral ni Buddha Śākyamuni (Siddhārtha Gautama), na marahil namuhay noong ika-5 siglo BCE.
Nakatuon ang Budismo sa mga aral ni Siddhartha Gautama o ang "Buda", na isang dakilang mangangaral na nabuhay noong 563 BCE hanggang 483 BCE sa hilagang bahagi ng Indiya. Ang Buddha ay nangangahulugang "ang isang naliwanagan" sa Sanskrit at Pāli. Ang Buddha ay namuhay at nagturo sa silanganing bahagi ng subkontinenteng Indiyano sa pagitan ng ika-6 hanggang ika-4 siglo BCE. Siya ay kinikilala ng mga Budista na isang naliwanagan na nagbahagi ng kanyang mga kabatiran upang tumulong sa mga may kamalayang nilalang na wakasan ang pagdurusa (dukkha) sa pamamagitan ng pagtatanggal na kamangmangan (avidyā) sa pamamamagitan ng pag-unawa at pagkita sa nakasalalay na pinagmulan (pratītyasamutpāda) at pag-aalis ng pagnanasa (ta), at kaya ay makakamit ang pinakamataas na kaligayahan na nirvāņa.

IMPERYONG MAURYA
Ang Imperyong Maurya ang isang malawak sa heograpiyang panahong Bakal na kapangyarihang historikal sa Sinaunang India na pinamunun ng Dinastiyang Mauryano mula 322 BCE hanggang 185 BCE. Ito ay nagmula mula sa kaharian ngMagadha sa mga kapatagang Indo-Gangetiko(modernong Bihar), silanganing Uttar Prades at Bengal sa silanganing panig ng subkontinenteng Indiano. Ang kabisera ng imperyong ito ay sa Pataliputra (modernong Patna).   Ang Imperyong Maurya ay itinatag noong 322 BCE ni Chandragupta Maurya na nagpatalsik sa Dinastiyang Nanda at mabilis na nagpalawak ng kanyang kapangyarihan pakanluran sa ibayong sentral at kanluraning India na sumantala sa mga pagkagambala ng mga kapangyarihang lokal kasunod ng pagurong pakanluranin ng mga hukbong Griyego at Persa (Persian) ni Dakilang Alejandro. Noong 320 BCE, ang imperyo ay buong sumakop sa Hilagang-kanlurang India na tumalo at sumakop sa mgasatrap na naiwan ni Dakilang Alejandro.  Ito ay may lawak na 1 bilyong acre at isa sa pinaka-malaking mga imperyo sa panahon nito at ang kailanman pinakamalaki sa subkontinenteng Indiano. Sa pinakamalaking saklaw nito, ang imperyo ay sumaklaw sa hilaga kasama ng mga natural na hangganan ng mga Himalaya at sa silangan na sumasaklaw sa ngayongAssam. Sa kanluran, ito ay sumakop ng lagpas sa modernong Pakistan na nagdagdag ng Balochistan, timog silangang mga bahagi ng Iran at karamihan ng ngayong Afghanistan kabilang ang modernong mga probinsiyang Herat at Kandahar. Ang imperyo ay lumawak sa mga rehiyong sentral at katimugan ng mga emperador na sina Chandragupta at Bindusara ngunit hindi isinama ang isang maliit na bahagi ng hindi nagalugad na mga rehiyong pang-tribo at magubat malapit saKalinga(modernong Odisha) hanggang sa masakop ito ni Emperador Ashoka. Ang pagbagsak nito ay nagsimula pagkatapos ng 60 taon ng matapos ang pamumuno ni Ashoka at nagwakas noong 185 BCE sa pagkakatatag ng Dinastiyang Sunga saMagadha.

IMPERYONG GUPTA
Ang imperyong gupta ay nagsimula noong 320 p.k sa hilagang India. Puro mga katutubong mga taga- India ang mga kasapi ng imperyong ito, hindi tulad ng mga dayuhang Kushana. Ang pinakapuno ng mga Gupta ay si Chandragupta I (naghari, c. 320-330).


KABIHASNAN SA CHINA

Ang mga dinastiya sa kasaysayan ng Tsina ay ang pagkakasunud-sunod ng pagpapalitan ng mga pinuno at tagapamahalang kabilang sa iisang mag-anak o "kabahayan" sa loob ng maraming mga salinlahi sa bansang Tsina. Sa katotohanan, madalang na makitang malinis ang kasaysayan ng Tsina, hindi katulad ng palagiang inilalahad, at madalang din talaga para sa isang dinastiyang magtapos ng mahinahon at kaagad at matiwasay na nagbibigay daan sa isang bago. Karaniwang naitatag ang mga dinastiya bago mamatay ang isang nangangasiwang pamahalaan, o nagpapatuloy magpahanggang isang kapanahun matapos na malupig sila.

“MGA UNANG DINASTIYA”
DINASTIYANG HSIA

Alinsunod sa tradisyon ng mga Tsino, Pininiwalaan na itinatag ni Emperador Hayuran Yu ang unang dinastiya ng Tsina. Sa ilalim ng kanyang pamumuno nakontrol ang pagbaha ng Ilog Huang Ho. Hinati-hati niya ang kanyang kaharian sa siyam na lalawigan, pinalawak ang teritiryo hanggang Disyerto ng Gobi at sinugpo ang mga tribo sa timog.

DINASTIYANG SHANG
Ang Dinastiyang Shang o Dinastiyang Yin ay ang itinuturing bilang isang pinakaunang totoong imperyo sa Tsina. Sa una, pinaniniwalaang isang alamat lang ang Shang, pero nang madiskubre ng mga Intsik na gumamit sila ng mga butong orakulo, dito napatunayang totoo ang Shang.Ito ay nagtagal sa loob ng 1766 BCE hanggang 1122 BCE.Ang dinastiya ring ito ay pinamunuan ni Emperador Tang. Isa nang halimbawa ng mga ambag nito ay ang paggawa ng mga kagamitang bronse,palayok,banga at ang pagbabasa ng emperador sa mga "oracle bone" para sa mga nagpapahula ng hinaharap.

DINASTIYANG ZHOU

Ang Dinastiyang Zhou (1122–256 BCE) ay isa sa mga dinastiya sa kasaysayan ng Tsina. Nagsimula ito nang natalo ang mga Shang ng mga Zhou (Chou). Itinatag ang Dinastiyang Zhou na namahala sa loob ng 900 taon, pinakamahaba sa lahat ng dinastiya. Sa panahon ng Zhou, lumitaw ang piyudalismo. Ito ay sistemang pampolitika na nagbigay ng kapangyarihan sa mga aristokrata o pyudal na panginoon sa mga lupang pag-aari ng hari. Bilang kapalit kailangang maging tapat ang mga pyudal na panginoong maylupa sa hari. Dito rin umiral ang "Ginintuang Panahon ng Pilosopiya" na pinangunahan nina Confucius at Lao-tzu. Kahit maraming digmaan sa dinastiya, masasabing sa panahong ito maraming pag-unlad ang naganap. Sa panahong ito, natutunan ang pag-araro at pagamit ng matutulis na sandatang yari sa bakal. Napaunlad din ang irigasyon para sa patubig ng mga pananim.
Ang mag-amang sina Wu Wang at Ch'eng Wang at ang kapatid na duke ng una ang tatlong bayani na kinikalala ng mga Zhou.

DINASTIYANG QIN
Ang Dinastiyang Qin (221 - 206 BK) ay pinangunahan ng Dinastiyang Zhou at sinundan ng Dinastiyang Han sa Tsina. Nang mapag-isa ni Qin Shi Huangdi ang Tsina noong 221 BK, ito ang simula ng panahong Imperyal ng Tsina na nagtapos sa pagbagsak ng Dinastiyang Qing noong 1912. Ang dinastiyang ito ay nag-iwan ng isang sentralisadong imperyo na gagayahin ng mga susunod na mga dinastiya. Sa rurok ng kanyang kapangyarihan, ang Dinastiyang Qin ay may 40 milyong tao.

“IBA PANG KANIHASNAN SA ASYA”
ANG MGA   HITITO

-Nagmula sa mga damuhan ng gitnang asya ang mga hitito.Noong 1650 bc,nabuo ang imperyong hitito at itinatag nila bilang kabisera ang lungsod ng hattussas.

ANG MGA PHOENICIANO

KABIHASNANG PHOENICIANS
Lipunan at KulturaRasshamra - nakatuklas ng kultura at panitikan ng mga Phoenicianmagaling mangopya sa ibang taonakagawa ng magandang klase ng mga produkto tulad ng bronse, mga armas, pandigmaang karwahe. mga kasangkapan at mga palayok na gawa sa ginto at pilak atbp."misyonero ng sibilisasyon"-dala ang kanilang kultura kahit saan magpunta"dakilang marino"=magaling sa paglalayag pangniisda at kalakalanEkonomiya magaling na negosyante at mangangalakalPurple Dye/Lilac na kinuha sa isdang Murex pinangkukulay sa telang linomaganda ang kanilang mga produkto na gawa mula sa ginto,bronse at pilakNakapagtatag sila ng kolonya = gawing istasyon=pinagkukunan ng mga materyales nakarating sila sa Cyprus = bronseSpain= mga mineralgaul=balat at katadbaltic=amberBritain=mineralpaggawa ng sasakyang pandagatibang istasyon gades Africa at CarthagePag Unlad kalidad ng mga produktopagtatag ng mga kolonyamalaki at matatag na sasakyan pandagatbihasa sa paglalayag at pangangalakal sa ibayong dagatPag Bagsak mahina sa pamahalaan at sandatahang lakasAmbag konsepto ng kolonya = ginagawang istasyon para sa kalakalan=ang alphabet= unang titik ang alpha at ikalawa ang bhet nakabatay ito sa systema ng alphabeto natin sa kasalukuyan sila ang gumawa ng mga barko.

ANG MGA PERSYANO

Ang Mga Persiano - sila ay mga taong nagmula sa Iran na dumaan sa Kanluran ng Mesopotamia.

KABIHASNAN SA AMERICA

ANG MGA OLMEC

Ang mga Olmek (Ingles: Olmec) ay mga mamamayan na namuhay noong mga 3000 taon na ang nakalilipas sa isang pook sa timog-kalagitnaang Mehiko ng kasalukuyang panahon. Ang mga Olmek ang unang kabihasnan sa sinaunang lugar na kilala ngayon bilang Mesoamerika. Dahil sila ang unang sibilisasyon, maraming mga sumunod na panghuling kabihasnang Mesoamerikanong mga kabihasnan ang gumamit at umuli sa mga kasangkapan at katangian. Natuklasan at ginamit ng mga mamamayang Olmek ang maraming mga likas na yaman sa kanilang pook, kabilang ang mga goma at mais. May mga dose-dosenang mga "mahiwagang" mga ulong bato ang natuklasana sa teritoryo ng mga Olmek, at hindi pa ganap na nauunawaan ng mga arkeologo ang layunin ng mga ito.

ANG MGA TEOTIHUACANO

Matatagpuan sa Lambak ng Mexico ang tinaguriang "Lupain ng mga Diyos"o Teotihuacan. Ang Teotihuacan ay kinilala bilang unang lungsod sa America. Mula 100 CE ang lugar na ito ay naging sentro ng mga magsasaka, artisano at musikero.

ANG MGA MAYAN

Ang Maya ay isang Mesoamerikanong kabihasnan o sibilisasyon(Ingles: Maya Civilization o Mayan Civilization) na kilala sa pagiging tanging nag-aangkin ng buong nilikhang isinulat na wika nito sa pre-Columbian na Amerika gayundin sa sining,arkitekturamatematikal at mga astronomika na mga sistema nito. Ito ay simulang itinatag noong yugtong Pre-Klasiko(c. 2000 BCE hanggang 250 BCE) ayon sa kronolihiyang Mesoamerikano. Marami sa mga siyudad ng Maya ang umabot sa pinakamataas na antas ng pag-unlad sa yugtong Klasiko(c. 250 CE hanggang 900 CE) at nagpatuloy sa kabuuan ng Pagkatapos-na-Klasikong yugtong hanggang sa pagdating ng mga Kastila sa Timog Amerika.
Sa sukdulan nito, ito ang pinakamasinsing populasyon at mga lipunang may kasiglahan ang kultura sa buong mundo.
Namuhay ang mga taong nagsasalita ng Wikang Maya sa Guwatemala at Timog Mehiko sa loob ng may 3,000 mga taon. Dating mga mangangalap ng pagkain, mga maninila, at mga mangingisda ang mga Maya, bago naipakilala sa kanila ang pagsasaka ng kapit-bahay na mga tribo (hindi nalalaman ng mga arkeologo kung kailan talaga naganap ang pagpapakilala sa pagbubukid). Naniniwala silang si Yum Kaax (literal na "panginoon ng mga kagubatan"), ang diyos ng mais. Umunlad ang mga Maya bilang mga magsasaka.

ANG MGA INCA

Sa south america sumibol ang isang kabihasnan at imperyo na sumakop sa malaking bahagi ng Kabundukang Andes. Ang Imperyong ito ay ang Inca. Sa maliit na pamayanan sa lambak ng Cuzco nagsimula ang mga Inca. Sa pamumuno ni Pachacuti Inca, limawak ang nasasakupan ng mga Inca at nakabuo ng isang imperyo. Naging matagumpay ang inca sa pagpapalawak ng kanilang teritoryo dahil sa natatangi nilang paraan at pakikidigma.

ANG MGA AZTEC
Ang mga Aztec, Aztek, o Astek at Asteka sa pagsasalin, ay mga tao na Katutubong Amerikano na nanirahan sa Mehiko. Ang Imperyong Aztec, Imperyong Astek, o Imperyong Asteka ay tumagal mula ika-14 hanggang ika-16 na daangtaon. Tinawag nila ang kanilang sarili bilang Mehikano o Nahua. Ilang bahagi ng kalinangang Astek ang gumamit ng mga sakripisyong tao at ang paniniwala sa mga nilalang na mitikal. Ang mga Astek ay may lubhang tumpak na kalendaryong binubuo ng 365 mga araw. Mayroon din silang isang kalendaryong panrelihiyon na binubuo ng 260 mga araw.


KABIHASNAN SA AFRICA

ANG MGA KUSHITE

-Sa mahigit 2000 taon, napasailalim sa kapangyarihan ng mga Ehipsiyo ang rehiyon ng Nubia (ngayon ay Sudan) na matatagpuan sa katimugan ng Ilog Nile. Sa katimugan ng Nubia matatagpuan ang imperyo ng Kush. Bagama't pinagharian sila ng mga Ehipsiyo mula ika-16 at ika-15 siglo BCE, unti-unting na kamit ng mga Kushite ang kanilang kalayaan.

ANG MGA AKSUMITE

-Ayon sa alamat, ang pagkakatatag ng kaharian ng Aksum ay pinasimulan ng anak ng Reyna ng Sheba at ni Haring Solomon ng Israel. Ang kaharian ng Aksum ay matatagpuan sa Hilagang-Silangang bahagi ng Africa.


ANG GHANA

Ang Republika ng Gana (internasyunal: Republic of Ghana) ay isang bansa sa Kanlurang Aprika. Napapaligiran ito ng Côte d'Ivoiresa kanluran, Burkina Faso sa hilaga, Togo sa silangan, kasama ang Gulpo ng Guinea sa kanyang katimugang pampang. DatingGintong Pampang (Gold Coast), hinango ang pangalan ng Ghana mula sa Imperyo ng Ghana (bagaman hindi nakarating sa teritoryo ang Imperyo sa kasalukuyang Ghana).

ANG MALI

Ang Imperyong Mali ang ikalawang pinakamalaking imperyong sa daigdig noong panahon ng Ghana. Pinamunuan ito ng mga Aprikanong Itim o Maiitim na mga Aprikano sa loob lamang ng 25 taon. Naging kabisera ng imperyo ang Niani na siyang naging sentro ng pag-aaral sa nasabing imperyo. Ito ay naging bantog sa Morocco, Ehipto at iba pang bansang Europeo.

ANG SONGHAI

Bumuo ng isang hukbo ang mga Songhai, na nagpalawak ng teritoryo at mula kabisera ng Gao ay pinamahalaan ang mga rutang pangkalakalan. Ang natatanging pinuno ng Songhai ay si Sunni Ali. Bumuo si Sunni Ali ng isang hukbo na may mga barkong padigma at mga sundalong kabayuhan dahil taglay nya ang kaalamang militar at agresibong pamumuno. Sinakop niya ang Timbuktu, Gao at Djene na sentro ng kalakalan sa Africa. Ang kanyang paghahari ay tumagal hanggang 30 taon at pinaunlad niya ang Timbuktu bilang sentro ng kaalaman at kulturang Muslim sa Africa.